-- Advertisements --
Dinukot ng terror group na al-Shabaab ang ilang katao na nakasakay sa United Nations helicopters.
Matapos kasi na mag-emergency landing ang helicopter sa Somalia dahil sa mechanical problem ay doon na sinamantala ng mga armadong suspek.
Sinabi ni UN Spokesman Stephane Dujaric na may sakay ang nasabing helicopter na walong katao kabilang ang ilang dayuhan.
Patuloy na gumagawa ng hakbang ang UN para sa agarang mailigtas ang nasabing mga biktima.