KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang clearing operation ng Aleosan-Philippine National Police (PNP) kasama ang 7th Infantry Battalion Philippine Army matapos ang insidente ng pagpapaputok ng baril ng mga pinaniniwalaang armadong kalalakihan sa kanilang mga kasapi sa Barangay New Panay, Aleosan, North Cotabato.

Ayon sa impormasyon, sakay ang mga kasapi ng Aleosan-PNP sa isang Hilux vehicle upang i-verify ang presensiya ng sinasabing armadong kalalakihan sa Prk. 7, Barangay New Panay, Aleosan, kung saan pagdating sa area ay pinaputukan sila ng baril ng mga grupo umano nina Musa Madidis ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front.

Gumanti rin ang mga pulis ngunit tumakas ang mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Prk. 8 ng Barangay Panay Aleosan.

Sa ngayon wala pang casualty na naitala sa insidente.

Samantala ayon naman kay Police Col. Aldrin Gonzales, hindi pa nakarating sa kanila ang hinggil sa naturang report.