Tuloy-tuloy umano ang pag-assit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga residente na apektado ng pagsabog ng bulkang Taal at ini-evacuate sa mga pinakamalapit na evacuation centers.
Sa ngayon nasa 16,000 na ang mga residenteng na-evacuate sa tulong ng DPWH.
At dahil na rin sa panganib ng aktibidad ng bulkan, tuloy-tuloy daw ang DPWH sa pamumuno ni Sec. Mark A. Villar sa isinasagawang road clearing operations at evacuation ng mga residente na kasalukuyang nire-rescue sa mga apektadong lugar.
Ang deployment ng personnel at equipment ng DPWH Regional Office 4A at District Engineering Offices (DEOs) ay naka-full blast pa rin ayon kay Villar.
Mula nang pumutok ang bulkan nasa 302 personnel at 66 equipment ang idineploy ng DPWH para mag-assist sa mga apektadong komunidad sa Batangas.
“Right now, some of our [personnel] are evacuating people from Balete, Mataas na Kahoy and Cuenca, Batangas,” ani Villar.
Kaninang alas-7:00 ng umaga ay temporaryo pa ring nakasara ang Talisay-Laurel-Agoncillo Road at Lake Taal-Tagaytay Road sa Batangas, Tagaytay-Taal Lake Road at Tagaytay-Talisay Road sa Tagaytay City, Cavite.