-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang pinamulan ng sunog sa residentila area ng Barangay 144 sa Pasay City.
Ayon sa BFP, umabot pa sa ikatlong alarma ang sunog dahil sa bilis na pagkalat nito bunsod ng magkakatabi ang mga kabahayan dito.
Wala naman naiulat na nasawi sa insidente maliban sa isang residente na nawalan ng malay at ito ay agad namang dinala sa pagamutan.
Naapula ang sunog mahigit tatlong oras ang nakalipas.
Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP sinasabing nagmula sa napabayaang sinaing.
Inaalam din ng BFP ang bilang ng mga natupok na kabahayan ganun ang kabuuang halaga sa nasabing sunog.