Naghain na si Sen. Bong Go na siya ring chairman ng Senate Committee on Health and Demography Christopher ng ilang legislative measures na naglalayong pagbutihin at palakasi ang healthcare system sa bansa.
“Bilang Chair ng Senate Committee on Health, sisiguraduhin natin na magiging mas maayos ang ating healthcare system habang sinusubukan nating lampasan ang krisis na dulot ng COVID-19. Let us all learn from this experience and better prepare ourselves for any health emergency that may come,” ani Sen. Go.
Kabilang sa panukalang batas ni Sen. Go ang Senate Bill (SB) 1226 ang proposed DOH Hospital Bed Capacity and Service Capability Rationalization Act na naglalayong bigyang otorisasyon ang Department of Health (DOH) na naglalayong palakihin ang bed capacity and service capability ng mga public hospitals.
Sinabi ni Sen. Go, na kailangang tulungan ang DOH na maisaayos ang mga ospital nila para mas maibigay sa mga Pilipino ang nararapat na serbisyong medikal, lalo na sa oras ng pandemya tulad ngayon.
Kapag naipasa na bilang batas, maoobliga na ang DOH na bumuo ng Philippine Health Facility Development Plan para sa modernization and development plans para sa lahat ng government health facilities.
Una ng inihain ni Go ang SB 1259 o “Mandatory Quarantine Facilities Act of 2020” na nagmamando sa pagtatatag ng quarantine facilities sa bawat rehiyon ng bansa.
“Habang wala pang mabisang gamot at bakuna para sa COVID-19 at ibang contagious diseases, pinakamabisang paraan pa rin ang isolation.”