Hindi pa sapat ang dalawang linggo ng enhanced community quarantine (ECQ) na pinatupad sa National Capital Region Plus para tuluyang matugunan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Benjamin Campomanes Jr. ang chief medical officer ng St. Luke’s Medical Center na napupupno pa rin ang mga Intensive Care Unit (ICU) ng mga pagamutan.
Nananawagan naman ang Private Hospitals Associations of the Philippines na ang solusyon sa health crisis sa bansa ay hindi lamang ang lockdowns at sa halip ay dapat paigtingin ang contact tracing at vaccinations.
Magugunitang inilagay ng gobyerno sa modified enhanced community quarantine hanggang katapusan ng buwang ito ang NCR, Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.










