-- Advertisements --
image 64

Sumisigaw ng hustisiya ang ilang grupo ng mamahayag sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Juan Jumalon na binaril habang nakalive on air sa kaniya mismong bahay sa Misamis Occidental.

Kaugnay nito, pinangunahan ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) kasama ang College Editors Guild of the Philippines ang pagsindi ng kandila sa Commssion on Human Rights sa lungsod ng Quezon at may dalang mga plcards at nagprotesta para ipanawagang waksan na ang impunity laban sa mga mamamahayag.

Nanawagan din ang grupo para depensahan ang press freedom.

Sinabi ng tagapagsalita ng College Editors Guild of the PH na si Brell Lacerna, nagtipun-tipon sil hindi lamang para ipagluksa ang pagpaslang kay Jumalon at iba pang mga journalist kundi para himukin ang mga mag-aaral na ipaglaban ang katotohanan ng mga ibinabalita na naratibo ng iba’t ibang sektor ng ating lipunan.

Sa ngayon, nagsagawa na ng dragnet operation ang mga kapulisan at naglagay ng checkpoints para sa posibleng ikadarakip ng suspek habang gumugulong ang imbestigasyon.

Kapag mapatunayang may kinalaman sa trabaho ang pagpatay kay Jumalon, ito na ang ika-199 na kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag sa PH simula noong 1986.