Nanawagan ang ilang grupo na ipagtanggol ang Manila Bay at mga karapatan sa pangingisda laban sa anumang mga proyekto sa reclamation na magsasapanganib nito sa ating kapaligiran.
Hinimok ng National Federation of Peasant Women (Amihan) at ng Pamalakaya ng Pilipinas ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na wakasan ang mga reclamation project na nagaganap sa mga lalawigan.
Ayon kay Zen Soriano na Amihan National chairperson, nakikiisa umano sila sa panawagan na ipagtanggol ang Manila Bay at mga karapatan sa pangingisda, karapatan sa pagkain, karapatan sa tirahan at mga karapatang socio-economic ng mga mahihirap na sektor, na naapektuhan ng mga proyekto ng reclamation sa Cavite at iba pang mga lalawigan.
Sa kasalukuyan kasi, may dredging operations sa Cavite ngunit wala umanong nakukuhang suporta mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Marcos administration.
Dagdag dito, ang protesta ng mga grupo ay ginanap sa anibersaryo ng 1998 Fisheries Code.
Sa halip na land reclamation ang hilingin, nananawagan umano ang grupo ng tunay na rehabilitasyon at pagkilala sa karapatan ng mga mangingisda sa kabuhayan.
Ang land reclamation ay ang proseso ng paglikha ng bagong lupa mula sa dagat.
Sa kasalukuyan, mayroong 187 reclamation projects sa loob ng ating bansa.