Muling binuhay ang panawagan ng human rights group ang matagal ng apela kay Indonesian President Joko Widodo na gawaran ng clemency ang Pinay na si Mary Jane Veloso na nasa death row dahil sa kinakaharap na kaso nito hinggil sa iligal na droga.
Ginawa ng Migrante International ang naturang apela kasabay ng nakatakdang pagdating ngayong gabi ni Pres. Widodo sa bansa para sa kaniyang 3 raw na state visit hanggang Enero 11.
Sa isang statement, umapela din ang grupo na nagtataguyod ng mga karapatan ng mga overseas Filipino worker, kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na idulog ang isyu sa kaniyang Indonesian counterpart at sa mga lider na makipagkita sa pamilya ni Veloso at mga supporter nito bago makabalik si Pres. Widodo sa kanyang bansa sa araw ng Huwebes.
Ayon sa grupo ang paggawad ng clemency kay Mary Jane Veloso at kalayaan ay isang magandang regalo para sa mga Filipino migrants at mga tao.
Sinabi din ng grupo na isang biktima ng human at drug trafficking si Mary Jane at nasa piitan sa ibang bansa mula pa noong 2010 at dumanas ng sakit ng higit pa.
Sinabi din ng grupo na plano din ng mga magulang ni Veloso na magpadala ng appeal letter kina Pang. Marcos at Widodo.
Matatandaan na noong Mayo ng nakalipas na taon, hiniling ni Pang. Marcos sa Indionesian government na muling pag aralan ang kaso ni Veloso sa kaniyang pakikipagkita noon kay Pres. Widodo sa ASEAN summit.
Maaala, na si Veloso ay isang domestic helper mula Nueva Ecija na inaresto noong 2010 dahil umano sa pagpupuslit nito ng 2.6 kilo ng heroin a Indonesia na nagkakahalaga ng mahigit P28 million subalit itinanggi ni Veloso ang mga akusasyon laban sa kaniya.