Nangalampag ang ilang mangingisda at iba pang grupo sa harapan ng Chinese consulate sa Makati City ngayong araw.
Inaalmahan ng mga ito ang water canon incident sa mga supply boat ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Giit nila, dapat respetuhin ng higanteng bansa ang kalayaan ng mga Filipino na maglayag sa West Philippine Sea (WPS), para sa pangingisda at paglalakbay, dahil pag-aari ito ng ating bansa.
Itinuturing din nilang malalang aksyon na hindi dapat balewalain ang insidente ng pagbomba ng tubig.
May bitbit na placard at megaphones ang mga nagprotesta at tumagal din sila ng ilang minuto.
Hirit nila, magbayad dapat ang China sa malaking perwisyo at trauma na naidulot ng mga ito sa mga sibilyan na naatasan lang para maghatid ng mga pangangailangan ng ating mga sundalo na nasa BRP Siera Madre.