-- Advertisements --
Sinimulan na ng European Union Civil Protection & Humanitarian Aid ang pagproseso ng ayuda para sa mga naapektuhan ng bagyong Agaton.
Ayon sa international organization, pinakilos na nila ang kanilang Emergency Response Coordination Centre, para makipag-ugnayan sa local authorities para sa paghahatid ng agarang tulong.
Una rito, ang Philippine Red Cross (PRC) ay una na ring nag-deploy ng mga tauhan para umalalay sa search and rescue effort.
Habang ang gobyerno naman ay nakapaglaan na ng ₱15,387,350.16 na halaga ng assistance, kung saan ₱9,360,739.50 ay mula sa DSWD at ₱6,026,610.66 ay mula naman sa Local Government Units (LGUs).