VIGAN CITY – Itinanggi ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na mayroong P1.5 billion na matatanggap ang bawat deputy speaker ng Kamara sa 2020 proposed budget.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan, hindi malinaw kay Marcoleta at maaaring panaginip lang aniya ng senador ang nasabing P1.5 bilyon.

Ito’y dahil hindi naman daw nailahad kung saan inuha ng senador ang impormasyon.

Suhestyon nito, dapat ang mga isyu na makakatulong sa mga mamamayan ang pinag-uusapan at pinagtutuunann ng pansin ni Lacson at hindi ang mga bagay gaya ng pag-akusa sa kanila dahil magiging kahiya-hiya lamang ito.