-- Advertisements --

Aabot pa sa halos 200,000 na mga residente ng South America ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa pananalasa ng malakas na bagyo.

Nagtala ng 12 katao na ang nasawi sa Missouri kung saan maging sa Georgia at North Carolina ng nawalan din ng suplay ng kuryente.

Pumalo na sa 33 katao ang nasawi sa malawakang bagyo kung saan nakataas pa rin ang banta ng bagyo sa mahigit 50 milyong katao mula Pennsylvania hanggang Florida.

Naglabas naman ng National Weather System ng tornado watch sa bahagi ng southeastern Georgia, northern Florida at West Virginia.

Matapos ang ilang oras na pananalasa ng bagyo ay ibinaba na ng Storm Prediction Center sa level 4 ang banta ng bagyo mula sa dating level 5.

Pinayuhan din ng mga otoridad ang mga residente na manatili lamang sa loob ng kanilang mga bahay.