CAGAYAN DE ORO CITY – Naibalik ang tiwala at paggalang ng ilang complainants sa judicial system ng bansa.

Kasunod na rin ito ng pagsibak ng Korte Suprema sa katungkulan si Regional Trial Court (RTC) Branch 20 Judge Bonifacio Macabaya kaugnay sa kasong administratibo na inihain ng complainants.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Abito Ladra Salcedo Jr na hindi nila inaasahan na kinatigan ang kanilang reklamo laban sa maimpluwensiyang huwes katulad ni Macabaya.

Inihayag ni Salcedo, buhay pa rin umano ang hustisya para sa mga taong naghahanap rito laban sa umano’y maabuso na ilang nasa katungkulan.

Magugunitang pinatawan ng dismissal order ng Supreme Court (SC) En Banc si Macabaya dahil umano sa ginawang pangungutan ng kanyang litigants dito sa Cagayan de Oro City ilang taon na ang nakalipas.

-- Advertisement --