Nakatanggap ang 60 members ng Moro National Liberation Front(MNLF) ng tig-P45,000, matapos makumpleto ang aconomic profiling, kasama ang Departmernt of Social Welfare and Development (DSWD).
Pinangunahan ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang pagbibigay tulong sa mga MNLF combatants, sa probinsya ng Basilan.
Maliban sa 60 naunang nabigyan ng tulong pinansyal, nakatakda ring mabigyan ang 407 na iba pa.
Ang mga ito ay kailangan pang sumasailalim sa mahaba-habang profiling na nagsimula pa lamang kahapon.
Ang pagbibigay tulong sa mga MNLF combatants ay bahagi ng MNLF Transformation Program.
Ito ay ang pagkumpleto sa 1996 Final Peace Agreement sa pagitan ng pamahalaan at mga miyembro ng MNLF na nilalayong matulungan ang mga dating mandirigma sa Mindanao na makabalik sa normal na buhay o sa mainstream society.
Samantala, sisimulan na rin ng OPAPRU ang socio-economic profiling sa iba pang mga MNLF members sa iba pang probinysa, sa susunod na linggo.
Kinabibilangan ito ng mga probinsya ng Lanao del Sur, Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte at North Cotabato