-- Advertisements --

PARIS, France – Nagkumahog ang ilang byahero patungo sa United Kingdom at iba pang bahagi ng Europe, bago pa man ang ilang paghihigpit sa France ngayong weekend.

Ayon kay Transport Secretary Grant Shapps, magpapairal sila ng 14-day isolation sa mga naglalakbay mula sa itinuturing na red zone o may mataas na bilang ng COVID cases.

Maging ang mga magmumula sa Netherlands, Monaco, Malta, Turks and Caicos at Aruba.

Nabatid na sold out ang tickets para sa Eurotunnel trains, pati na ang para sa air travellers at maging sa ferries.

Sa ngayon, may 212,211 nang nagpositibo sa France, habang 30,406 naman ang mga binawian ng buhay. (BBC)