-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Nagmistulang tourism site ang ilang lugar sa bayan ng Tulunan, North Cotabato, na itinuturing na ground zero dahil sa serye ng malalakas na lindol.
Ito’y dahil buhos ang mga bisita sa mga barangay ng Paraiso, Daig, at Magbok upang magbigay ng kanilang mga donasyon, magsagawa ng psychosocial debriefing at alamin ang pinsala ng lindol sa mga ari-arian.
Naging isyu na rin ang dami ng basura kaya pinangunahan ni Solid Waste Management Team head Jecmar Travina ang pagsasagawa ng clean-up drive sa nasabing mga lugar.
Namahagi rin sila ng trash bins at sinabihan ang mga barangay officials na itapon ng maayos ang kanilang mga basura.
Dadalhin naman ang mga ito ng relief deliveries na siyang itatapon naman sa dump site.