-- Advertisements --

Nagpaalala ang isang environmental group sa mga magulang na magla-last minute shopping ng school supplies na maging metikuloso para maiwasan ang pagbili sa mga gamit na labis ang expose sa kemikal.

Sa isang panayam inamin ng EcoWaste Coalition na may ilang brand pa rin ng school supplies gaya ng notebook at krayola ang ibinebenta sa mga pamilihan kahit labis ang lead content nito mula sa allowed level.

Bukod dito may mga nasuri din daw ang grupo na ilang gamit na naglalaman ng kemikal na cadmium.

Paliwanag ng grupo, maaaring magdulot ng cancer at premature birth ang kemikal sa sino mang labis na mae-expose dito.

Kaya payo ng EcoWaste Coalition sa mga magulang, tiyaking properly labeled ang mga gamit na bibilhin para sa mga anak para masigurong ligtas din ang mga ito sa ano mang panganib ng sakit.