CENTRAL MINDANAO- Wala paring klase sa lahat ng antas ng paaralan sa ilang bayan sa probinsya ng Cotabato.

Kabilang na ang Tulunan,Makilala,Kidapawan City,Midsayap at Mlang.

Patuloy na sinusuri ng mga kawani ng Municipal at City Engineers katuwang ang Disaster team ang mga bitak-bitak sa paaralan kung pwede pa at hindi na pwedeng gamitin.

Nilinaw naman ni Cotabato Acting Governor Emmylou”Lala”Mendoza na magdedepende parin ito sa bawat LGUs at Dep-Ed kung magsususpinde sila ng klase.

Ngunit sa mga bayan ng grabeng binayo ng lindol ay mananatili parin na walang klase.

Matatandaan na maraming paaralan sa bayan ng Tulunan,Mlang,Kidapawan City at Makilala Cotabato ang sinira nang lindol.