-- Advertisements --

DAVAO CITY – Umaasa ang ilang mga residente sa Purok Tinago Matina Crossing, Davao City na mabibigyan agad sila ng tulong matapos ang pagguho ng lupa dahil sa nararanasang mga pag-ulan sa nakaraang araw na epekto ng Bagyong Odette.

Sinasabing nasa pitong pamilya ang apektado sa pagguho ng lupa kung saan isang bahay ang totally damage habang may bahay rin na natabunan ang halos kahating parte nito.

Una nang napag-alaman na may nararanasan na pagguho sa bangin na bahagi ng nasabing lugar kung saan dalawang mga bahay ang apektado.

Sa panayam kay Ernesto Cabreros isa sa mga nabiktima sa landslide, na madaling araw ng bigla na lamang na nabitak ang ilang mga sementado na flooring dahilan na mabilis silang tumalon bago ito gumuho ang kalahating parte ng kanilang bahay.

Walang naitalang casualty matapos ang insidente maliban lamang sa mga nasirang propedad.