CAUAYAN CITY- Nagpanic buying ang mga residente matapos ianunsyo na isasailalim sa lockdown ang isa sa mga pinakamalaking siyudad ng China.
Ayon kay Bombo International News correspondent Rodalyn Alejandro, OFW sa Shanghai, China na ngayong araw nagsimula ang lock down sa silangang bahagi ng Shanghai.
Aniya, ang Shanghai ang pinakamalaking lungsod ng China na may 21 milion na population.
Dahil dito, nagkaroon ng panic bayuing sa mga pamilihan dahil sa pangamba ng mga tao na maubusan ng supply ng pagkain at pangunahing pangangailangan.
Ang lockdown ay resulta ng muling paglobo ng stealth Omicron variant ng COVID-19 sa naturang siyudad kung saan naitala ang 992 confirmed cases at 1,219 asymptomatic patients at araw araw ay padami ng padami ang tinatamaan ng nakakahawang sakit.
Sarado narin ngayon ang mga transits maging ang Shanghai Pudong International Airport kung saan 106 fligths ang inilipat sa ibang siyudad.
Maliban sa lock own ay ilulunsad ang city wide testing kung saan bawat miyembro ng pamilya ay dadaan sa pagsusuri at ang mga asymptomatic ay agad na sasailalim sa quarantine,
Isa sa dahilan sa muling paglobo ng COVID-19 ay ang pinaluwag na restrictions at pagiging kampante ng mga tao dahil karamihan ay hindi na nagsusuot ng face mask.
Ang stealth omicron Omicron ay triple ang bilis na makahawa kumpara sa dating Omicron Variant.
Walang rin itong ipinapakitang sintomas kaya mahalaga ngayon sa kanila ang pag-iral ng health code.
Aniya yellow code ang lilitaw kung ang isang indibiduwal ay unhealthy o may sakit habang green code naman kung healthy o malusog.
Sa ngayon ay kakaunti na lamang ang bilang ng mga Pilipinong nanatili sa Shanghai dahil karamihan sa mga OFW doon ay pinauwi ng kanilang mga employer matapos ang unang surge ng COVID-19 .
May ilang hindi pa rin nakakabalik sa Shanghai mula ng magsara ang border ng mga foreign workers habang ang ilan ay expire na ang Visa.