CAUAYAN CITY- Maari nang daanan ng mga sasakyan ang Malini Bridge sa Santiago City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Junard Atienzar, residente ng Lunsod ng Santiago sa mga nakalipas na oras ay umapaw ang Malini Bridge dahil sa pag-apaw ng tubig dulot ng tuloy tuloy na mga pag-ulan.
Sa sobrang bilis din anya ng pagtaas ng antas ng tubig ay hindi na rin naiahon ang backhoe na ginagamit sa riprapping sa gilid ng ilog.
Wala naman anyang naapektuhan mamamayan sa pagtaas ng antas ng tubig ngunit ang mga pananim sa gilid ng ilog ay naabot ng tubig baha.
Tanging ang mga dumadaang motorista ang naapektuhan ng pag-apaw ng tubig sa naturang tulay
Ang mga dumadaan sa naturang tulay ay ang mga garangay sa Sagana at Nabuan sa Lunsod ng Santiago maging ang mga galing sa Arabiat, Echague,