Pansamantala munang isinara ng Department of Public Works and Highways ang bahagi ng EDSA bus lane sa Quezon City.
Ito ay upang magbigay daan sa nagpapatuloy na emergency road repair na isinasagawa sa EDSA.
Dahil dito ay nararanasan ngayon ang bahagyang pagbagal ng daloy ng trapiko sa lugar partikular na sa mga sasakyang nagmumula sa Ortigas flyover.
Samantala, kaugnay nito ay una na ring nag-abiso ang DPWH na maaapektuhan din ng kanilang isasagawang road reblocking ngayong weekend ang tatlong kalsada sa Caloocan City, anim na kalsada sa Quezon City, at tag-isang kalsada sa mga lungsod ng Maynila at Pasig.
Inaasahan namang magtatagal hanggang madaling araw ng August 9 ang pagkukumpuni sa kahabaan ng EDSA, habang sa Lunes, Agosto 7 naman ay magiging fully passable na ang naturang mga kalsada na apektado rin ng isasagawang road reblocking ngayong araw.