-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 21 15 13 52

Humingi ngayon ng paumanhin ang Manila Water Company (Manila Water) sa mga residente ng Cainta sa Rizal at Mandaluyong dahil sa mararanasang water interruption ngayong araw maging sa Disyembre 13 at 14.

Ayon sa Manila water ito ay dahil na rin sa service improvement activities sa bahagi ng naturang mga lugar.

Ang bahagi ng Barangay Sto. Domingo sa Cainta, Rizal ay nakaranas ng water interruption kagabi hanggang alas-4:00 kaninang madaling araw.

Apektado rin ng water interruption ang ilang bahagi ng Barangay Hulo partikular sa Purok 32-38 at Purok 48-60 sa Mandaluyong City mula alas-10:00 ng gabi ng Disyembre 13 hanggang alas-4:00 ng madaling araw ng Disyembre 13 sa F. Blumentritt dahil sa leak repair.

Inabisuhan naman ng water company ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ipon ng sapat na tubig bago ang water interruption.

Paliwanag ng water company na ang isasagawang maintenance ay para mapabuti pa ang serbisyo nila sa mga consumers.

Sa sandali namang maibalik na ang water service ang mga apektadong customers ay inabisuhang buksan lamang ang kanilang mga gripo hanggang sa malinis na ang lumabas na tubig.