Magiging maulap at maulan ngayong araw dahil sa southwest monsoon at localized thunderstorms, ayon sa hilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Batay sa 4 a.m weather bulletin nito, sinabi ng Pagasa na magiging maulap ang kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ngayong araw ng Linggo sa Metro Manila, Ilocos region, Cordillera Administrative Region, Calabarzon, Mimaropa, Zambales, Bataan, Batanes at Babuyan group of ilsands.
Nagbabala ang state weather bureau sa mga residente sa mga apektadong lugar na manatiling handa sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides.
Samantala, ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers na dala ng localized thunderstorms.