-- Advertisements --
CAAP DIRECTOR TAMAYO

Isinusulong ngayon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ilang amendments para sa ipinapatupad na regulations na may kaugnayan sa paggamit ng drone o remotely piloted aircraft system (RPAS) sa Pilipinas.

Sa isang pahayag ay sinabi ng CAAP na sa ngayon ay nasa proseso na sila ng pag-aamyenda ng kanilang Philippine Civil Aviation Regulations (PCAR) regulation.

Paliwanag ng CAAP, layunin nitong lumikha at mas ma-improve pa ang kasalukuyang regulasyon na mayroon ngayon ang naturang ahensya upang tugunan at tiyaking mas ligtas ang mga panibagong development sa international aviation community.

Kaugnay nito ay ibinahagi rin ng kagawaran na kasalukuyan na rin itong nakikipagtulungan sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Civil Aeronautics Board para sa pagbuo at pagpapatupad naman ng mas maayos na batay sa pakikipagtalakayan nito sa Air Transport Regulation Panel ng International Civil Aviation Organization na titiyak sa kaligtasan ng publiko sa paggamit ng mga drone.

Samantala, target naman ng CAAP na ilabas ang ammended at updated na regulations nito pagsapit ng taong 2023.

Bago ito ay una na ring kumonsulta sa Department of Agriculture ang naturang ahensya noong Marso 29 para naman pagtugmain ang mga regulasyon sa RPAS na ginagamit para sa agrikultura.

“CAAP is committed to enhancing drone regulations for the betterment of the public and the agriculture sector. We are working tirelessly with various government agencies to ensure that regulations on RPAS use are up to date and safe for everyone. We encourage the public to anticipate these developments as they will benefit the country in many ways,” saad ni CAAP Director General Manuel Antonio Tamayo.