CAUAYAN CITY – Itinaas ng ilang agricultural supply ang presyo ng kanilang agri products sa Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Crisel Mauro, Branch-in-charge ng isang Agri Supply sa lunsod, sinabi niya na tumaas ang presyo ng ilang klase ng binhi ng mais dahil sa kakulangan ng supply lalong-lalo na ang dekalb 8282 na mula sa dati nitong presyo na P5,600 ngayon ay P5,800.
Ang abono naman ay pabagu-bago ang presyo subalit sa kasalukuyan ay nanatili pa ito sa presyo na mahigit P4,000.
Dahil sa malapit na ang taniman ay marami na ang mga magsasakang nagtutungo sa kanilang pwesto dahil sinasamantala nila ang mababang presyo ng ilan sa mga produktong pang-sakahan kaya mabilis na maubos ang kanilang stocks.
Kahapon ay marami ang bumili sa kanilang pwesto dahil sa pag-ulan noong Sabado ng gabi.
Tuwing lumilipas ang isang araw ay muli na naman silang aangkat ng stocks para tuluy-tuloy ang kanilang bentahahan subalit may mga ilan na mababa lamang ang supply.
Sa ngayon ay mas inihahanda nila ang mas marami pang pagdating ng mga mga binhi at abono para hindi maubusan kapag dumami pa lalo ang mga bibili.