Nagsimula nang magsara ang mga clinics sa ilang estado sa Amerika pagkatapos maglabas ng desisyon ang Korte Suprema na tanggalin ang constitutional right ng mga kababaihan sa Amerika kaugnay sa abortion.
Humigit-kumulang kalahati ng mga estado ang inaasahang magsisimula ng mga bagong paghihigpit o pagbabawal pagkatapos na baligtarin ng korte ang 50-taong-gulang nitong Roe v Wade decision.
Ang Roe v. Wade, 410 U.S. 113 (1973), ay isang mahalagang desisyon ng Korte Suprema ng U.S. kung saan pinoprotektahan ng Konstitusyon ng Estados Unidos ang kalayaan ng isang buntis na pumiling magpalaglag o magpa-abort.
Nauna nang inilarawan ni US President Joe Biden ang desisyon bilang “isang trahedya na pagkakamali” o tragic error.
Nasa 13 estado ng bansa ang sinasabing apektado ng batas at ipinatupad ang abortion ban sa loob ng 30 araw.
Inaasahan na nang dahil sa Supreme Court ruling, nasa 36 million kababaihan ang mawalan ng access sa abortion sa kanilang mga estado ayon sa research mula sa Planned Parenthood, a healthcare organisation na nagbibigay ng aborsyon.