-- Advertisements --

Napuna ng ilang observer ang mga aberya sa idinaos na mock elections nitong Miyerkules.

Bagama’t itinuturing itong matagumpay at maayos ng Comelec, aminado silang may ilan pang kailangang isaayos sa mga proseso.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, paghahanap talaga ng mga prosibleng problema at solusyon ang pangunahing layunin ng mock elections.

Sa obserbasyon ng grupong LENTE, nakitaan ng mahabang oras ng pagboto ang ilang presinto.

Katulad na lamang sa Bicol region at Metro Manila.

May nakitaan din ng mahabang pila para sa paghihintay ng mga nais makaboto.

Kung mangyayari ito sa araw ng halalan, nangangamba ang iba pang election watchdog na baka maging spreader event ito at muling dumami ang magkakahawaan ng COVID-19.