Hahabol pa ang ilang mga kumpanya ng langis sa ipapatupad na rollback bukas, araw ng Martes.

Sa anunsyo ng Petro Gazz at Shell, aabot sa P1.40 kada litro ang ibabawas sa presyo ng gasolina, at P1.60 naman sa kada litro ng diesel.

May kaltas namang P1.65 kada litro ang presyo ng kerosene sa Petro Gazz.

Kabilang sa unang nagpatupad ng rollback ang Phoenix Petroleum, Cleanfuel, at Seaoil.

Ang price reduction ay bunsod na rin ng mababang presyuhan ng raw materials sa pandaigdigang merkado.

-- Advertisement --