CAGAYAN DE ORO CITY – Nadagdagan pa ang bilang ng mga kongresistang nanawagan sa pagbibitiw sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) chief police Gen. Oscar Albayalde matapos masangkot sa kontrobersya ng mga “ninja cops.”

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, hindi na dapat hintayin ni Albayalde ang retirement nito sa Nobyembre matapos maputakte ng kritisismo ang PNP.

Panahon na umano para magtalaga ng bagong pinuno ng pambansang pulisya ang pangulo at kailangang matiyak na malinis ang record nito mula sa iligal na droga.

Una ng naghain ang Makabayan bloc ng resolusyon para magbitiw sa pwesto si Albayalde.