TUGUEGARAO CITY – Naniniwala si Atty. Egon Cayosa, executive vice president ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), na walang kredibilidad ang ilalabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) na narco list kung walang isasampang kaso.

Ayon kay Cayosa, hindi siya tutol sa balak ng DILG subalit kailangan na sampahan muna ng kaso ang mga nasa narco list para hindi pagdudahan na politically motivated lalo’t panahon na ng eleksion

Idinagdag pa niya na matagal na rin ang isyung ito subalit hanggang ngayon ay wala pang nasasampahan ng kaso sa mga sinasabing poulitiko na sangkot sa illegal drugs.