Naitala ng US ang ikalawang kaso ng Omicron variant ng COVID-19.
Ayon sa Public Health Laboratory, nakita ang variant sa specimen mula sa residente ng Minnesota.
Isa umanong lalaki na may edad na at residente ng Hennepin County.
Nabakunahan na umano ito laban sa COVID-19 at bumiyahe lamang ito sa New York City.
Base sa mga health officials na nagkaroon ito ng mild symptoms noong November 22 at nagpositibo noong Nobyembre 24.
Dumalo pa ito sa Anime NYC 2021 convention sa Javits Center noong Nobyembre 19-21.
Inaasahan na rin ng mga health officials na makakatuklas sila ng iba pang kaso ng Omicron dahil sa patuloy ang ginagawa nilang genetic sequencing sa bansa.
Ang pagkakatuklas sa Omicron variant carrier ay ikinabahala rin ni New York Mayor Bill de Blasio kaya pinapa-monitor ang mga dumalo sa naturang anime event.