SOUTH KOREA – Aabot sa 1,223 na miyembro ng Shincheonji Church of Jesus ang lumahok sa pagbibigay ng plasma para sa pagbuo ng lunas para sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Inanyayahan ng mga health department sa South Korea ang Shincheonji Church noong Agosto 24 na makipagtulungan para sa pagbibigay ng karagdagang plasma para sa paggawa ng bakuna.
Sa simula ng taon, karamihan sa mga kumpirmadong kaso mula sa lungsod ng Daegu ay nagmula sa Shincheonji Church.
Mula sa humigit-kumulang 5,000 na miyembro na nahawaan, karamihan ay gumaling na mula sa virus habang 11 ang namatay.
Nasa 409 mula sa 897 na kabuuang bilang ng nakolektang plasma ay galing sa mga miyembro ng simbahan na nagbigay noong Hulyo.
Upang mapabilis ng pagbuo ng lunas sa pamamagitan ng donasyon ng plasma at clinical trial, humiling ang Korea Centers for Disease Control and Prevention (KCDC) na magsagawa ng isa pang malawakang donasyon noong Agosto mula sa mga gumaling na miyembro ng simbahan.
Ang KCDC ay opisyal na nagpasalamat sa Shincheonji Church at kay Chairman Lee Man Hee para sa aktibong pakikilahok sa pagkolekta ng plasma bilang isang pangkat upang makabuo ng lunas para sa kaligtasan ng kalusugan sa ilalim ng
pandaigdigang krisis sanhi ng COVID-19.
“Sa tulong ng lungsod ng Daegu, ang Daegu Athletics Center ay maghahanda ng lokasyon at ang Red Cross ay maghahanda ng mga kagamitan at tauhan para sa donasyon mula ika-27 ng Agosto hanggang ika-4 ng Setyembre. Kami ay nagpapasalamat sa lungsod para sa pagbibigay ng lokasyon para sa malawakang donasyon, maging sa mga miyembro ng simbahan ng Shincheonji,” sabi ni Mr. Kwon Jun-wook, Deputy Director ng KCDC.
Ang pananaliksik at pagpapaunlad ng convalescent plasma treatment ay isinasagawa ng National Institute of Health sa ilalim ng Ministry of Health and Welfare sa pakikipagtulungan sa Green Cross (GC) Pharma, isang kumpanya ng biotechnology sa South Korea.
Ang mga pangunahing hamon sa pagsasaliksik at pagbuo ng epektibong convalescent plasma treatment ay nagmula sa limitadong suplay mula sa mga donor na gumaling mula sa virus.
Ayon sa pinuno ng Shincheonji Church na si Chairman Lee, ang donasyon ng plasma ay kailangang gawin bilang mga mamamayan ng bansa.