Nakabalik na sa bansa ang ikalawang batch ng overseas Filipino wokers na naipit sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militans.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) na ang 18 katao ay binubuo ng 14 na mga caregivers at apat na empleyado ng hotel.
Nabigyan ang mga ito ng tig-P100,000 na tulong pinansyal mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at DMW.
Bukod pa dito ay mayroong din silang natanggap na skills training vouchers at dagdag na tulong pinansiyal mula sa Technical Education and Skills Development Authority.
Sumailalim din ang mga ito sa psychosocial evaluation at assesment service.
Makakatanggap din dagdag na tulong pinansiyal sa mga may anak na nag-aaral.
Sinabi ni DMW Undersecretary Maria Anthonette Velasco-Allones na ang mga OFW na nais na manatili na sa Pilipinas ay makakatanggap ng mga iba’t-ibang training, skills at capacity-building interventioins mula sa National Reintegration Center for OFW at OWWA.