Tataas na naman sa ika-lima nang magkasunod na linggo ang presyo ng diesel, habang magkakaroon naman ng roll back sa gasolina.
Sa magkahiwalay na advisories, sinabi ng Petro Gazz, Pilipinas Shell Petroleum Corp., at ng Seaoil Philippines Inc. na magpapatupad sila ng umento sa kada litro ng diesel ng P0.20, habang magkakaroon naman ng rollback sa gasolina na aabot din ng P0.20.
Wala namang pagbabago sa presyo ng kerosene.
Magpapatupad din ng kaparehong pagbabago sa kanilang presyo ang Cleanfuel, pero para lamang sa gasolina.
Bukas ng alas-6:00 ng umaga nakatakdang magsimula ang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo ang lahat ng mga kompanya ng langis, maliban na lamang sa Cleanfuel na magpapatupad ng pagbabago sa kanilang presyuhan bandang alas-8:01 ng umaga.










