-- Advertisements --
Asahan ang ika-apat na oil price rollback sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE) na maaring maglaro muli sa mahigit P1.00 ang ibabawas sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosene.
Isa sa dahilan ng nasabing pagbaba ng presyo ay ang pagkakaroon ng oversupply ng langis sa mga oil-producing country.
Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang ipapatupad na bawas presyo ng mga produktong langis na kadalasang ipinapatupad sa araw ng Martes.