-- Advertisements --
Nakatakdang dumating sa bansa ang panibagong batch ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs) na mula sa Israel, mamayang alas-3 ng hapon.
Inaasahang lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang sinasakyan ng mga ito na commercial plane.
Ayon sa DMW, kabuuang 37 OFWs ang sakay ng naturnag eroplano na pawang ninais nang makabalik sa bansa, matapos ang naging epekto ng labanan sa pagitan ng Israel at ng Hamas.
Ito na ang ika-anim na batcg ng mga OFWs na napauwi sa Pilipinas, mula nang mag-umpisa ang sigalot sa naturang bansa.
Tiniyak naman ng DMW na patuloy pa rin nitong aalalayan ang mga Pinoy workers na nais nang bumalik sa Pilipinas, lalo na at mistulang magtatagal pa ang kaguluhan sa Israel.