Nakatakda nang i-turn over ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Department of Health (DoH) ang ika-siyam na Coronavirus disease 2019 (COVID-19) quaratine facility na matatagpuan sa Muntinlupa City.
Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, ang naturang pasilidad ay kumpleto na at ipapasakamay na nila ito sa DoH sa Mayo 13, araw ng Miyerkules.
Ang ika-siyam na “We Heal As One” center ay matatagpuan sa Filinvest, Alabang sa Muntinlupa.
Mayroon itong 108 bed capacity na pamamahalaan ng Office of the Civil Defence (OCD) at Bureau of Fire Protection (BFP).
Kabilang naman sa walong mega quarantine facility ang Philippine International Convention Center-(PICC) forum, World Trade Center, Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Coliseum, Asean convention center sa Clark, Pampanga, National government Administrative center sa New Clark City sa Capas, Tarlav, Philippine Sports Complex (Ultra) sa Pasig City at ang tatlong malalaking tent sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.