Gugunitain ng bansa ang ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., na lumaban sa diktatoryal na pamahalaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ayon sa Ninoy and Cory Aquino Foundation, magkakaroon ng misa sa Santo Domingo Church sa Quezon City sa anibersaryo ng pagkamatay ng dating senador.
Ang paggunita sa anibersaryo ng kamatayan ni Aquino ay ang ikalawang taon na gagawin sa panahon na ang kaaway sa pulitika ng kanyang pamilya ay bumalik sa kapangyarihan.
Ang kanyang mga labi ay inilagay kasama ang kanyang asawa na si dating Pangulong Cory Aquino, at anak na si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.
Noong Agosto 10, tinalakay ng foundation at ng oposisyong grupong 1SAMBAYAN ang sakripisyo ni Aquino para sa bansa “to remember and move forward.”