Bagama’t ginugunita ngayong araw ang ika-37 death anniversary ni dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino ay maagang naglagay ng bulaklak sa Cory and Ninoy monument sa lungsod ng Maynila.
Walang programa na nakalatag para sa anibersaryo ng dating senador dahil ipinagbabawal pa rin ang social gathering bunsod ng coronavirus pandemic.
Se edad na 17, si Ninoy ang pinakabatang reporter na nag-cover ng Korean War para sa isang pahayagan. Ito ang naging dahilan para makatanggap ito ng pagkilala mula sa Philippine Legion of Honor Award mula kay President Elpidio Quirino sa edad naman na 18.
22-anyos naman ito ng pasukin niya ang mundo ng pulitika, siya rin ang pinakabatang alkalde ng Concepcion, Tarlac. Makaraan ang limang taon ay naging vice governor naman ito ng parehong lungsod at sa bago pa ito tumuntong sa edad na trenta ay naging gobernador na ito ng nasabing probinsya.
Taong 1967 ng mahalal ito bilkang pinakabatang senador ng Pilipinas. Si Ninoy ang natatanging opposition candidate na nanalo sa mataas na kapulungan.
Bilang senador ng 7th Congress ay naging tanyag si Ninoy bilang major political rival ng dating diktador at presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos.
Isa rin ito sa mga unang inaresto matapos isailalim ni Marcos ang buong bansa sa Martial Law noong 1972 dahil sa di-umano’y pagpatay, illegal possession of firearms at subversion. Habang nasa loob ng kulungan ay 40 araw itong hindi kumain bilang protesta sa hindi pagiging patas ng umiiral na batas noon.
Sa loob nang walong taon na pagkakakulong noong 1980 ay inatake ito sa puso kung kaya’t pinayagan siyang magpunta ng Estados Unidos para doon magpagamot. Nanatili ito sa Amerika bilang refugee hanggang sa mapagdesisyunan nitong bumalik sa Pilipinas noong 1983 at hamunin si Marcos noong 1984 elections.