-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pinaghandaan ng lokal na pamahalaan ng siyudad ng Kidapawan ang ikatlong ulit na pamimigay ng food relief items sa tinatayang 50,000 pamilyang sumasailalilm sa anti-COVID quarantine sa lungsod.

Tig-aanim na kilong bigas, apat na de-latang meat loaf at isang buong dressed chicken ang nakapaloob sa relief packs na ipamimigay ng city government sa bawat pamilyang naka-quarantine sa 40 mga barangay ng lungsod.

Tiniyak naman ng pamunuan ng city government na de-kalidad na bigas ang matatanggap ng mga apektadong pamilya.

Payo pa ng city government sa lahat na hintayin lamang ang pagbibigay ng relief items sa ikatlong pagkakataon na agad matatanggap ng mga apektadong pamilya pagkatapos na mairepake ang lahat ng mga ito.