-- Advertisements --
Deputy Chief of Mission Anthony Mandap

Kasalukuyang bineberipika pa ng Philippine Embassy sa Israel ang posibilidad ng pangatlong Pilipinong nasawi sa mga pag-atake ng mga militanteng Hamas sa Israel.

Ayon kay Deputy Chief of Mission Anthony Mandap, sinusubukan ng mga awtoridad na kumpirmahin ito sa pamamagitan ng DNA testing

Aniya, may dalawang kumpirmadong namatay at isa pa ang kasalukuyang nasa ilalim ng verification.

Nauna nang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Pilipino ang kabilang sa mga napatay sa armadong labanan sa pagitan ng Israeli forces at mga militanteng Hamas.