-- Advertisements --

Nakatakdang ihain ng Makabayan bloc ang ikatlong petisyon na humihiling sa Korte Suprema na ideklarang unconstitutional o labag sa batas ang P125 confidential fund ni Vice President Sara Duterte noong 2022.

Inanunsiyo ito ng grupo sa isang online briefing kung saan sinabi din ng grupo na mayroong matibay na legal na basehan para kwestyonin ang legalidad ng confidential funds.

Inihayag naman ni ACT teachers Party-list Rep at House Deputy Minority Leader France Castro na umaasa ang kanilang grupo na maibabalik sa publiko ang confidential funds at mapanagot ang mga opisyal na sangkot sa paggasta ng naturang pondo.

Nanindigan din ang Deputy minority leader na walang nakalinyang items para sa confidential funds sa pambansang pondo noong 2022 kayat ang paggugol aniya dito ay unconstitutional.

Matatandaan na ang unang 2 petisyon na inihain sa kataas-taasang hukuman na humihiling para sa pagdeklara ng confi funds bilang unconstitutional ay inihain ng legal at economic experts.

Top