Kinumpirma ng health officials mula California ang ika-11 kaso ng novel coronavirus sa Estados Unidos.

Isang babae at pamilyang kasama nito sa Santa Clara County ang kasalukuyang naka-quarantine. Hindi pa umano malala ang sakit na nararamdaman nito kung kaya’t hindi pa inaadmit sa ospital ang pasyente.

Kamakailan lamang ng bumisita di-umano ang nasabing babae sa Wuhan, China na sentro ngayon ng naturang sakit.

Inanunsyo naman ng San Benito County Public Health Services na mag-asawa ang mayroong kumpirmadong kaso ng NCov.

Nagtungo raw ang mister sa Wuhan na naging dahilan upang maipasa nito ang sakit sa kaniyang misis.

-- Advertisement --

Sa kabila nito ay naninindigan pa rin ang health officials sa Amerika na maliit pa rin ang tsansang makapasok ang coronavirus sa kanilang bansa.