Kinumpirma ng Maui police ang ika-101 biktima na nasawi malawakang wildfire sa Lahaina, Hawaii.
Sa ulat ng mga otoridad, kinilala nito ang ika-101 nasawing biktima na si Paul Kasprzycki, 76 taong gulang.
Ayon kay Maui Police spokesperson Alana Pico, natagpuan ng mga otoridad ang bangkay ng biktima sa gilid ng kalsada sa isang industrial area.
Nakumpirma aniya ang pagkakakilanlan nito batay sa DNA at pagkukumpara sa X-ray nito bago at matapos ang kaniyang pagkasawi.
Samantala, sa datos ng kapulisan, ang mga biktima sa naturang malawakang wildfire ay tinatayang may edad na pito hanggang 97 taong gulang.
Karamihan sa mga labi nito ay natagpuan sa loob ng mga gusali, ang iba naman ay nakita outdoors habang may ilan ding natagpuan sa loob ng mga sasakyan.