Dahil na rin sa mabilis na pagdami ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa partikular sa Metro Manila, binibilisan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang conversion ng Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna bilang covid facility.
Ang naturang mega quarantine facility ay mayroong 68 bed cubicles at puwedeng gamitin ng mga pasyente mula sa probinsiya ng Laguna at iba pang lugar sa Southern Tagalog Region.
Target naman ng DPWH Regional Office 4A na nangangasiwa sa pasalidad na i-turn over ang mega covid facility sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Lunes Mayo 25.
Sa sandaling makumpleto na ang conversion ng Alonte Sports Arena ay ito na ang ika-10 na mega quarantine facility sa Metro Manila.
Kabilang naman sa siyam na mega quarantine facility ang Philippine International Convention Center-(PICC) forum, World Trade Center, Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Coliseum, Asean convention center sa Clark, Pampanga, National government Administrative center sa New Clark City sa Capas, Tarlav, Philippine Sports Complex (Ultra) sa Pasig City, ang tatlong malalaking tent sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan at “We Heal As One” center na matatagpuan sa Filinvest, Alabang sa Muntinlupa.