BAGUIO CITY – Tagumpay ang unang pagsabak ng isang minerong Igorot sa Southeast Asian (SEA) Games.

Nasungkit ni Ariel Lee Lampacan ang gintong medalya sa Muay Thai event ng SEA Games laban sa kinatunggali nitong Thai athlete.

Ibinahagi ni Lampacan na bumawi ito sa galaw ng kanyang kamay sa pamamagitan ng boksing dahil aminado itong wala siyang laban sa pagtadyak.

Si Lampacan na nagtrabaho ng tatlong taon sa minahan ay isang world champion sa Muay Thai dahil sa pagkapanalo nito ng gold medal sa International Federation of Muay Thai Associations World Championship na ginanap sa Mexico noong nakaraang taon.