-- Advertisements --

Pinaghahandaan na ngayon ni World number 1 Iga Swiatek ang kaniyang unang pagsabak sa US Open Final.

Matapos kasi na talunin si Aryna Sabalenka ng Belarus sa score na 3-6,6-1 at 6-4 ay magiging abot kamay na nito ang kampeonato sa US Open.

Makakaharap ng World No. 1 na si Swiatek si Ons Jabeur ng Tunisia.

Ayon pa sa Polish tennis star na tiyak na magiging isang malaking hamon para sa kaniya ang nasabing laro ay desidido ito na magwagi at para makuha ang ikatlong major title.