-- Advertisements --
Tinanggal ng social media platform Instagram ang account ni kontrobersiyal anti-vaccine activist na si Robert F. Kennedy Jr.
Ayon sa tagapagsalita ng Facebook ang may-ari rin ng Instagram, na makailang ulit ng nagpo-post si Kennedy ng maling impormasyon tungkol sa coronavirus o bakuna.
Ang anak ng namayapang dating US Attorney General, US Senator at presidential candidate Robert F. Kennedy ay makailang beses kasi na komokontra laban sa bakuna.
Hindi naman nila tinanggal ang Facebook page nito na mayroong mahigit 300,000 followers.
Nauna ng pinaigting ng Facebook ang pagtanggal sa mga post na nagbibigay ng maling impormasyon tungkol sa coronavirus at ang bakuna nito.